Thursday, July 31, 2008

rebates and spring onions

Ano daw? Halo halo, mantao, soup na may chopped spring onions, soy sauce at asado sauce?
Isang araw gusto ni Jamie maki celebrate with his college buddies sa Mall of Asia. Alas siete pa ng gabi gaganapin ang pagdiriwang. Since galing kami shift at sobrang gutom gusto namin kumain pero ayoko na sa mamahaling restaurant, gusto ko na lang sana umuwi kumain ng sardinas at malamig na kanin saka matulog nang mabawasan din yung gutom kaso sabi ni Jamie li-libre nya daw ako ng halo-halo sa Chowking. O siya sige since libre naman (ika nga ni Kiko beggars don't choose, or can't for that matter) napag decisyonan kong sumama ke Jamie at kumain. Pareho kaming walang gagastusin kasi sa kada 1000 pesos na ginastos nya gamit ng BPI credit card may halo halo or chowfan sa kahit anong branch ng Chowking. Tadhana nga naman kung minsan ibibigay sa yo kahit di mo hinihingi. Actually pang ilang beses na akong nilibre ni Jamie kahit ang dating libre ay burger meal ng Jollibee. Since alas siete ang gala nya inisip kong gisingin sya through text kaso wala na naman akong load so sabi nya pumunta na lang kami sa bahay nya matutulog sya at ako maiiwang gising para magising sya ng sakto sa oras? Parang maling logic yun ah? Ako ngayon ang hindi matutulog para may taga gising ka? Aba hindi pwede so sabi ko uwi na lang ako eh para san pa at wala din akong tulog kaya napagtanto namin habang pinapapak namin ang mantao na may palamang asado sause at humigop ng maanghang na sabaw (kasi naman nilagyan ba ng chilli) at kumain ng halo halo na manonood na lang kami ng DVD hanggang sa makaalis sya ng alas siete. Bago mangyari ang hindi pagtulog ni Jamie ng hindi matino nung mga nakaraang araw eto yung kinain niya - I mean, namin pala.

Si Jamie handang handa na sa paghahalo ng pampaanghang at toyo sa sabaw.

Sabaw (libre) at Mantao (P16.00 only) - Yep eto na yung pinaka gastos namin.

Add soy sauce to the sabaw to taste and asado sauce to your mantao for a change. LOL


Finally ladies and gentlemen..

Our dessert, well eto talaga yung main course kasi eto yung pinunta ko dito tapos yung sa gilid ang mantao na pinatakan ko ng asado sauce (nagmukhang spongha na may grasa- masarap yan)


Ngayon sinong may sabing mahal tumira sa Makati? heheh. Depende kung sino ng kasama mo at kung san ka gagala at kung may credit card at swipe ka ng swipe gamitin ang rebates hanggang sa magsawa. O depende na din kung sinong kasama mo, kung si Jamie less than 30 pesos lang gagastusin mo kung ako naman nasa mga bente lang kasi lakad ng lakad bawal nang sumakay kahit bus (lalo na't papunta kina Jamie).

Monday, July 28, 2008

Series of Unconsiously Misleading Events

Mag Jowa

by psyche



Issue # 1. Si Kiko at ako.
Location: Dencio's, Paseo Center, Makati
Occation: Umiinom lang.


Mukha daw kaming mag jowa sa letratong ito. Si kiko ay ang badet na pinangarap naming halikan na Pia na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagiging successful. Nakailang attempts na kaming gawin yun since last year (at ang latest ay nung nakaraang linggo) muntik na kaming masuntok ni Kiko. Eh syempre lalaki din naman yung tao kahit badet. Pero si Kiko may pag-asa pa talaga tong maging lalaki, or pinapangarap naming may pag-asa pa tong maging lalaki.








Issue # 2. Jamie and Raine
Location: CCP, Manila
Occation: PS Year-end party 2007


Gusto ko sanang sabihing magkamukha kayo dito since etong post na to ay tungkol sa mukhang mag jowa, yeah, mukha kayong mag jowa dito. LOL. Pero hindi talaga talo. Una sa lahat si Raine may totoong boyfriend yan tapos mag housemates pa silang dalawa ni Jamie. Hindi sila tomboy para maging silang para ding kami ni Kiko. Pero lam mo Jams kahit tong picture na to di ka mapagkamalang lalaki talaga eh. Antayin ka mo nila yung kuha nating dalawa na mas mukha pa akong lalaki sa yo at mas mapula pa yung labi mo ke sa labi ko.





On the 4th day He rose Again...
by Jamie





At long last nakapahinga rin me after marathon work and gala. 3 days of no sleep can really tale a toll on you and your beauty (naks!)



Eto kasi ang mga nangyari:



Day1: Thursday - July 24 - 8:30pm (Muntinlupa)



I woke up at 8:30pm to prepare for work and to fix my things. Dahil kakagaling ng rest day, may mga dalang clothes na pina laundry. And from muntinlupa, nag travel me to makati for my work.



Day2: Friday - July 25 - 1am (Makati)



At dahil 1st day of my work week, trabaho lang ng walang katapusan (may konting ka ek ekan n rin) hanggang mag log out ng 10am. After shift, met gwennie para mag crash course sa Frontpage to fix my website (http://www.schemingflirt.com/).



2pm na nang we left office for food sa chowking and konting chismis.



4:30 pm: We then proceeded to my place para mag video marathon dahil nag decide me na wag na matulog 'coz I have to meet my friends for a Bday celebration sa MOA ng 7pm.



7:00 pm: Nasa condo p rin me at nagaayos ng sarili coz nawili me kaka nuod ng Sex and the City Series. (yun yung naging video marathon)



9:00 pm: Finally arrived sa MOA. Grand entrance si Ate, uber fashionably late. After i-greet ang aking friend na si Tharane ng Happy Birthday, walang humpay na chismisan, kwentuhan, inuman and kainan sa Gerry's ang nangyari. Tagal n kasi hindi nagkitakita ang mga college buddies ko and me.





Eto and Bday Girl na si Tharane

Day 3: Saturday - July 26 - 1am (Makati)



1:00 am: Fresh from my MOA escapade, kahit warla na kaiinom, derecho n naman sa aking pinakamamahal na PEOPLESUPPORT to work. Ganun ko kamahal ang aking company and ang aking work. (Wahahahahaha). At dahil walang 2log c loka, may paunti unting idlip na nasisingit dahil wala naman queue ng calls.



10:00 am: Log out. After shift, nakipag kita naman me sa aking mga friendly friends (mykeps, gwen, car, cash, cha-cha, marcy, joel and kiko), para sa konting brunch and konting inom.



12:30 pm: Napadpad kami sa Greenbelt para ipagpatuloy ang pagkain sa Red Box. Eat-Drink-Sing All you can kasi ang promo nila. Nagbago ang composition ng group, umuwi n c cha-cha and kiko, c mykeps ay bumalik sa work ulit, pero napalitan naman cla ng malanding c Mau. Lamon at Concert ang nangyari sa loob ng Red Box, kulang n lang pti yung mic ay kinain.



3:00 pm: Tpos n ang gig sa Red Box. Kailangan ng gawin ang dapat gawin. Humiwalay na si Joel and c Marcy. Punta kami sa marks and spencer to buy lingerie ni car. After ng bra, naisipan ni mau na magpaayos ng Hair. at dahil maarte ang lola, dinala namin sa Bench Fix. Dapat magpapa foot spa c gwennie para may kasabay c mau, kaya lang wala ang mga foot spa-ista. Nauwing mag isa nag paayos si mau... ng hair. At isa pang malanding request ni mau ay wag sya maiwan mag isa, ninenerbyos ata, kaya nagpaiwan n rin c gwennie. That left me, car and cash para mag buy ng Electric fan ni ninang gwennie and mag grocery ng kung anung anik anik. Na-sad p c Car kasi hindi sya ang nkapili ng pork na pang sinigang. (yung ate sa meat section ang namili). Me naman, bumili ng kalandian aka products of science sa watsons. Pag balik sa Bench fix, nashock kami and natuwa.... TAO na si mau.



7:00 pm: At long last we decided to part ways na. Talagang bumabagsak na ang eyes ko and mga super daming yawns n lang ang nagagawa ko. Pagka dating sa condo, nag ayos lang ng sarili and then punta n ulit sa work.



Day 4 - Sunday - 12:00 am (Makati)



12:00 am: Napadpad me ulit sa pinakamamahal kong PEOPLESUPPORT to work. At dahil maaga me ng 1 hr, naidlip n lang ako.



12:57 am: Ewan ko ba at bigla na lang me nagising like crazy. Wala naman gumising sakin. Miracle ata kasi 1:00am kelangan na mag log in.



1:00 am: Walang humpay na pag trabaho n naman. Hindi gaano naka idlip kasi paminsan-minsan nagkaka queue.



10:00 am: log out na sa wakas. walang kaibi-kaibigan. derecho uwi.



10:45 am: Nag saing me para may makain. Pag katapos i Press ang cook rice setting, humiga muna me para mag text....



10:00 pm: Bigla n lang akong nagising kasi nag alarm yung phone ko. Naka2log n pala ako. Goodluck sa sinaing. Kinain n lang ng mga housemates ko pag dating nila. Hindi na naman ako nakakain. Kung nasunog cguro yung condo, namatay na ko dahil mas malala p me sa 2 log mantika ng araw na yun.



THE END



Boys and Girls, to Follow n lang ang mga Images ok? ^_^

Friday, July 25, 2008

Maldita Ka Gwennie (Just LIke Me!)

Ewan ko nga ba kung san n namang ka-weirdohang mundo nakuha ni Gwennie ang idea na mag post kami ng Blog almost everyday. And take note kelangan related sa pagiging POKS! dba? MGF! (May Ganung Factor!) Pero syempre, mukhang exciting rin ito. Lahat ng kalandian and what not sa POKS universe mailalahad na para sa masa... Nyahahahaha..



Anyways, kung nabasa nyo ang panimulang Blog ni ninang, halos lahat ng kaPOKSan nagawa na namin. Nangunguna jan ang pag-ispiya at panghahabol sa Hottie Chinese sa Greenbelt:








Dba panalo? Landi lang talaga. Wala pa jan ang walang humpay n pag lamon at pag try ng kung anu anung restos. Weakness tlga pag Eat-all-You-can. Kulang n lang pagulungin kami sa sobrang kabusugan (sulitin kasi mahal no!). Nanjan na ang pagkakasakit namin ni mau the day after we binged, ang pag eksena sa CR ni Rain sa Glorietta, ang pagkasira ng tyan ni Gwennie, and to top it all off, ang pag collapse ni Girlie pagkauwi nya. (No thanks sa Eat all you can sa Dads, Kamayan and Saisaki).





I would have to say na very happy me at napunta me sa PS, dahil kung hindi, walang salitang POKS!, walang reyna ang ELINK Web Hosting (Sori mau! na dethrone naman me, kaya ok lang), wala me nakilala na mga super lovable peeps sa Hosting. I Labs You All!!


Until the next POKS Misadventures... Mwuah Mwuah!!!


Thursday, July 24, 2008

si Jamie at ako

Inisip ko kung anong magandang maging topic sa unang post namin ni Jamie. Actually di pa nya alam na gagawa ako ng blog para sa mga gala namin kasi si Jams naka rest day. Kung iisipin mo sa dami nang mga nangyari sa min mula sa pagaantay sa isa't isa tuwing gagala pagkatapos ng trabaho hanggang sa pag swipe ng credit card nya sa mga cellphone ng ibang miyembro ng sambayanang poks hanggang sa muntik nang paggulong sa kabusugan sa paghabol ng instik sa Greenbelt 5 para lang makipagkilala hanggang sa kung saan abutin ng antok dahil sa sobrang gala di ko na mabilang kahit isama ko pa ang mga daliri ni Jamie. Ang blog na to ay magsisilbing journal ng lahat ng gala namin kahit sino pa man ang mga kasama namin sa kahit anong araw ng taon o maging anong oras man dito nya makikita kung saan kami dadalhin ng paa namin magkasama man kami sa gala o hindi. Maaaring ang malathala sa ibang araw ay galing sa archive ng aming mga multiply sites or friendster or kahit ano pa mang maisipan naming i-post. Pero basta halos lahat dito destinasyon, okasyon o pwede ring kahit anong kwento lang kung saan ang presensya ko o ni Jamie ay andun. At dahil mahilig kami sa pictures lahat ng posts sisiguraduhin naming may letraro ng muka namin, mga kasama namin o lugar na mapupuntahan namin maging ito man ay kamangha mangha o walang kwenta o di kaya mga mukha ng mga magiging kasama namin san man kami mapunta. Simula ngayon (or bukas) pangako ko Jams magdadala na ako ng phone para makakuha ng letrato.


Welcome sa buhay ng mga POKitang naninirahan sa makati (sa ngayon).


Locations of visitors to this page