Ano daw? Halo halo, mantao, soup na may chopped spring onions, soy sauce at asado sauce?
Isang araw gusto ni Jamie maki celebrate with his college buddies sa Mall of Asia. Alas siete pa ng gabi gaganapin ang pagdiriwang. Since galing kami shift at sobrang gutom gusto namin kumain pero ayoko na sa mamahaling restaurant, gusto ko na lang sana umuwi kumain ng sardinas at malamig na kanin saka matulog nang mabawasan din yung gutom kaso sabi ni Jamie li-libre nya daw ako ng halo-halo sa Chowking. O siya sige since libre naman (ika nga ni Kiko beggars don't choose, or can't for that matter) napag decisyonan kong sumama ke Jamie at kumain. Pareho kaming walang gagastusin kasi sa kada 1000 pesos na ginastos nya gamit ng BPI credit card may halo halo or chowfan sa kahit anong branch ng Chowking. Tadhana nga naman kung minsan ibibigay sa yo kahit di mo hinihingi. Actually pang ilang beses na akong nilibre ni Jamie kahit ang dating libre ay burger meal ng Jollibee. Since alas siete ang gala nya inisip kong gisingin sya through text kaso wala na naman akong load so sabi nya pumunta na lang kami sa bahay nya matutulog sya at ako maiiwang gising para magising sya ng sakto sa oras? Parang maling logic yun ah? Ako ngayon ang hindi matutulog para may taga gising ka? Aba hindi pwede so sabi ko uwi na lang ako eh para san pa at wala din akong tulog kaya napagtanto namin habang pinapapak namin ang mantao na may palamang asado sause at humigop ng maanghang na sabaw (kasi naman nilagyan ba ng chilli) at kumain ng halo halo na manonood na lang kami ng DVD hanggang sa makaalis sya ng alas siete. Bago mangyari ang hindi pagtulog ni Jamie ng hindi matino nung mga nakaraang araw eto yung kinain niya - I mean, namin pala.
Si Jamie handang handa na sa paghahalo ng pampaanghang at toyo sa sabaw.
Sabaw (libre) at Mantao (P16.00 only) - Yep eto na yung pinaka gastos namin.
Add soy sauce to the sabaw to taste and asado sauce to your mantao for a change. LOL
Finally ladies and gentlemen..
Our dessert, well eto talaga yung main course kasi eto yung pinunta ko dito tapos yung sa gilid ang mantao na pinatakan ko ng asado sauce (nagmukhang spongha na may grasa- masarap yan)
Ngayon sinong may sabing mahal tumira sa Makati? heheh. Depende kung sino ng kasama mo at kung san ka gagala at kung may credit card at swipe ka ng swipe gamitin ang rebates hanggang sa magsawa. O depende na din kung sinong kasama mo, kung si Jamie less than 30 pesos lang gagastusin mo kung ako naman nasa mga bente lang kasi lakad ng lakad bawal nang sumakay kahit bus (lalo na't papunta kina Jamie).
No comments:
Post a Comment